Sarangani – Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad sa kasong Murder sa Brgy. Batian, Maitum, Sarangani Province nito lamang ika-23 ng Oktubre 2023.

Kinilala ang suspek na si alyas “Anef”, 18-anyos, miyembro ng Guerilla Front 73 MUSA Far South Mindanao Region na nag-ooperate sa bayan ng Maasim, Kiamba, Maitum.

Napag-alaman na isinuko rin nito ang kanyang armas na cal. .38 revolver.

Nahaharap ang suspek sa kasong Murder na may Criminal Case No. 002479-21 na inilabas ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 38, Alabel, Sarangani Province na walang rekomendadong piyansa.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at iwanan ang teroristang grupo na walang dala kundi karahasan at terorismo na hadlang sa pagkamit ng kapayapaan sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *