Sarangani Province – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Sitio Tubak, Brgy. Lumasal, Maasim, Sarangani Province nito lamang Martes, ika-24 ng Oktubre 2023.

Hindi na pinangalanan ang apat na NPA na sumuko para sa kanilang seguridad.

Napag-alaman na isinuko rin nila ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng tatlong granada, isang shotgun, isang homemade Cal. 45 pistol, isang yunit M1 carbine rifle at mga bala.

Patuloy ang panawagan ng gobyerno sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kanilang sariling pamilya. Malayo sa anumang karahasan at terorismo dulot ng maling ideolohiya na dala ng teroristang grupo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *