Tamparan, Lanao del Sur – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa Brgy. Picarabawan, Tamparan, Lanao del Sur nito lamang Oktubre 23, 2023.

Samantala, hindi na pinangalanan ang may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.

Ayon sa Tamparan PNP, ang isinukong baril ay isang yunit ng Caliber .38 revolver Smith and Wesson na walang serial number at walang bala.

Patuloy ang maigting na kampanya ng pamahalaan kontra loose firearms para masigurong tahimik at payapa ang darating na local election ngayong Oktubre 30, 2023.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *