Patay ang suspek matapos manlaban sa ikinasang operasyon ng PNP-AFP sa Brgy. Pangasinan, Bangao Tawi-tawi nito lamang madaling araw ng Lunes, Oktubre 24, 2023.

Kinilala ang nasawing suspek na si alyas “Al”, 24 anyos, walang asawa at residente ng naturang lugar.

Bandang 3:00 ng umaga nang isinagawa ng mga awtoridad ang naturang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na may Criminal Case No. 3015-5, na inissue ni Hon, Abdulmoin M Pakam Presiding Judge RTC 9th, Branch 5 Bongao Tawi-tawi na walang inirekomendang piyansa.

Subalit nanlaban at nakipagbarilan ang suspek sa mga awtoridad dahilan upang gumanti ng putok ang kapulisan.

Patuloy ang PNP at AFP sa pagsiguro ng katahimikan at kapayapaan para sa ating Inang bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *