Cagayan de Oro City- Nasa 50 PNP personnel ang nakiisa sa Medical Response Training ng Regional Medical and Dental Unit 10 na ginanap sa RHQ Grandstand Camp Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang umaga ng Oktubre 24, 2023.
Ito ay sa pangangasiwa ni Police Colonel Michelle A Arban, Chief, Regional Medical and Dental Unit 10.
Ang 50 Personnel ay galing sa Regional Headquarters ng Police Regional Office 10, Cagayan de Oro City Police Office, at Misamis Oriental Police Provincial Office.
Sa pagsasanay, itinuro ang tamang paglapat ng first aid sa mga aksidente gaya ng motorcycle accident.
Bukod dito, itinuro din ang basic life support, packing and transport techniques, triaging at legal basis on medical emergencies.
Nakatuon ang training sa mga injuries na madalas na nangyayari sa search and rescue operations upang lumawig ang medical capabilities ng mga first responders sa pangangalaga sa mga sugatang mamamayan sa panahon ng sakuna o kalamidad.