Umabot sa 102 indibidwal ang naaresto sa isinagawang Simultaneous Anti Criminality Enforcement Operation (SACLEO) sa iba’t ibang parte ng Northern Mindanao na ikinasang ng Police Regional Office 10 nito lamang Sabado, Oktubre 21, 2023.

Sa paghahain ng Search Warrant kaugnay sa ilegal na droga, naaresto ang isang indibidwal na nagresulta ng pagkakakumpiska ng mahigit kumulang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php68,000.00, habang limang indibidwal naman ang naaresto na may kaugnay sa RA 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at nakumpiska ang apat na mga baril.

Naaresto ang 22 drug suspek sa ikinasang 19 na buy-bust operation at nakakumpiska ng 33 gramo ng shabu na may halaga ng Php230,322.80.

Samantala, naaresto din ang 68 wanted persons, 15 dito ang Most Wanted Persons at 53 ang Other Wanted Persons, bukod dito naaresto din ang anim individual sa isinagawang special police intervention.

Ayon kay Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr, Acting Regional Director, PRO 10 โ€œThe success of our SACLEO operation is a testament to the unity and dedication of our operating units. We would not have achieved this without the support of the community and the relentless efforts of our law enforcement agencies. Together, let us create a safer, drug-free, and more prosperous Northern Mindanao.โ€

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *