Sumabog ang isang granada sa labas ng bahay ni Nisham Hando, kandidato sa pagka-Bise Gobernador sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) nito lamang Linggo ng gabi, Mayo 4, 2025 sa Buluan, Maguindanao del Sur.

Nabatid na walang na i-ulat na nasaktan ngunit nagdala ito ng takot at pangamba sa mga residente na malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Agad namang nagsagawa ng malalim na imbestigasyon at mas pinaigting ang seguridad ng Maguindanao del Sur PNP upang matukoy ang mga suspek sa likod ng insidente at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa darating na halalan ngayong Mayo 12, 2025.

Photos by: Maguindanao del Sur PNP

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *