Timbog ang isang Top 4 Most Wanted Person Regional Level sa kasong Frustrated Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Songco, Lantapan, Bukidnon nito lamang ika-3 ng Mayo 2025.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Ar-ar”, 68 anyos, lalaki, may asawa at residente ng Purok 2A, Brgy. Songco, Lantapan, Bukidnon.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may rekomendandong piyansa na Php100,000.00.
Sa tulong ng publiko at PNP ay mapapanatili ang kaayusan at katahimikan sa pamayanan.