Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php8.4 milyong halaga ng assorted smuggled cigarettes sa karagatang bahagi ng Brgy. Maasin, Zamboanga City bandang 2:30 ng madaling araw nito lamang Nobyembre 6, 2023.
Ang pagkasamsam sa mga kontrabando ay resulta ng operasyon ng mga operatiba ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company at Bureau of Customs.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Hassan”, 48; “Sadjang”, 31; “Aljumer”, 27; “Arosal”, 53; at “Mel”, 50, pawang mga residente ng Brgy. Mampang, Zamboanga City.
Lulan ng bangkang de-motor na tinatawag na “Jungkong” ang mga suspek na may markang “Lautanmas 3”, kulay asul, na may kargang assorted smuggled cigarettes na tinatayang aabot sa 240 kahon at tinatayang nagkakahalaga ng Php8,400,000.
Dinakip ang mga suspek matapos bigong iprisenta ang mga kaukulang dokumento sa kahon-kahon na dalang assorted smuggled cigarettes.
Kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharapin ng mga suspek.