Magbabantay sa seguridad ang mahigit 700 miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) para sa nalalapit na halalan ngayong Lunes, Mayo 12, 2025 sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa PNP, nasa BARMM ang mga lugar na kabilang sa 35 na nasa red category o may seryosong banta ng karahasan sa election.
Dalawang lugar din sa BARMM ang nasa ilalim ng COMELEC control hanggang noong Mayo 5, kabilang na ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte at Buluan sa Maguindanao del Sur.
Samantala, 3,600 pulis ang magsisilbing electoral boards sa BARMM upang tiyakin na magiging malinis, patas, makatotohanan, at payapa ang darating na election.