Nasakote ang limang indibidwal sa mga baril at bala sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Purok 2, Barangay Dumlan, Maco, Davao de Oro nito lamang Mayo 8, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rico”, “Danilo”, “Reghner”, “Luisito”, at “Nove”.
Nasamsam mula sa mga suspek ang isang Rock River Arms caliber 5.56mm rifle na may kasamang tatlong magazine, isang Rock River caliber .45 pistol na may apat na bala, isang two-way radio, at isang Mitsubishi Strada,
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay sa COMELEC Gun Ban.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kayusan, katahimikan tungo sa pgkamit ng kaunlaran sa ating pamayanan.
