Natunton ng pulisya at naaresto ang isang magnanakaw matapos mag-cash in gamit ang ninakaw na cellphone sa bahagi ng Makakua Street, Poblacion 5, Cotabato City.
Kinilala ang suspek na si “Abs,” residente ng downtown area ng lungsod.
Ayon sa pulisya, ninakawan nito ang isang tindahan sa Pinafrancia, RH-11 Cotabato City kung saan tinangay ng suspek ang ilang barya (coins), sigarilyo, at isang cellphone.
Napag-alaman sa anak ng may-ari ng tindahan, na si alyas “Ron”, na agad nilang na-trace ang kinaroroonan ng suspek gamit ang location tracking ng ninakaw na cellphone.
Patuloy ang Cotabato City PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kaligtasan ng publiko sa tulong at kooperasyon ng mamamayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
