Kung ikaw ay mahilig sa pakikipagsapalaran, isang destinasyon sa Sultan Kudarat ang tiyak na magpapabilis ng iyong tibok ng puso, ang Bansada Eco-Adventure Park na matatagpuan sa Bagumbayan.
Itinatampok ng Bansada Eco-Adventure Park ang kahanga-hangang tanawin ng mga tuktok ng bundok, malalawak na hardin sa kabundukan, at isang kakaibang karanasan sa kanilang adventure gondola ride.
Sa pagsakay mo rito, masisilayan mo mula sa itaas ang kabuuan ng parke at ang kagandahan ng kalikasan.
Ang mga turista na bumibisita dito ay hindi lamang naaaliw sa mga outdoor activities kundi namamangha rin sa ganda ng kalikasan at yakap ng katahimikan.
