Tiklo ang tinaguriang Top 9 Most Wanted Person ng Davao del Norte sa kasong 9165 bandang 3:30 ng hapon noong Mayo 17, 2025 sa Purok 5-1, Barangay Tubod, Carmen, Davao del Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Joemar” , 49 anyos, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may inirekomendang piyansa na aabot sa P200,000.00
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan at kaayusan sa komunidad sa tulong at kooperasyon ng mamamayan.