Isinagawa ng Rotary Gym ang kauna-unahang National Deaf Basketball League, sa pakikipagtulungan ng Tagum Deaf Association, Inc., Tagum Deaf Sports, at ng Tagum City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa Tagum, Davao del Norte nito lamang Mayo 18, 2025.
Lumahok sa paligsahan ang 12 koponan na binubuo ng mga manlalarong may kapansanan sa pandinig.
Ang mga laro ay isinagawa sa systema na 3v3 basketball, na sinunod pa rin ang mga regular na alituntunin ng Basketball.
Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Rey T. Uy, para sa mga Persons with Disabilities (PWDs), lalong-lalo na sa pagbibigay ng mga oportunidad upang maipakita ang kanilang talento sa larangan ng sports at isa itong hakbang tungo sa mas inklusibo at mas matatag na sports community sa lungsod ng Tagum.

