Pinangungunahan ng Gobernadora ng Davao de Oro na si Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), ang patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na palaganapin ang kaalaman at kamalayan tungkol sa kalusugan, sa pamamagitan ng isang lektura hinggil sa Hypertension na ginanap nito lamang Mayo 19, 2025.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Hypertension Awareness Month na may temang “Know Your Numbers, Protect Your Heart”.

Layunin ng lektura ang magbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa hypertension, isa sa mga pangunahing suliraning pangkalusugan sa bansa.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng mga hakbang sa pag-iwas sa altapresyon o mataas na presyon ng dugo.

Kasama rin sa aktibidad ang pagsasagawa ng blood pressure monitoring at random blood sugar testing para sa mga lumahok, bilang bahagi ng kampanya sa maagang pagtukoy at pag-iwas sa mga komplikasyon ng hypertension.

Ang aktibidad na ito ay isang malaking hakbang ito patungo sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *