Tinalakay ang lektura pang-kaligtasan sa Katipunan ng Kabataan Assembly 2025 na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Inakayan, Laak, Davao de Oro nito lamang Mayo 18, 2025.

Ito ay pinangunahan ng Laak Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pamumuno ni Police Major Ariel A. Pascual, Acting Chief of Police.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mahahalagang paksa tulad ng kampanya laban sa ilegal na droga, terorismo, at ang Batas laban sa Panggagahasa (Anti-Rape Law).

Binigyang-diin ng kapulisan ang kahalagahan ng kamalayan at pag-iingat ng kabataan laban sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagre-recruit ng mga grupo ng terorista, at karahasang sekswal.

Layunin din ng lektura na hikayatin ang mga kabataan na aktibong makiisa at suportahan ang mga programa ng Philippine National Police (PNP), lalo na ang mga inisyatibong naglalayong protektahan ang kanilang kapakanan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutok ng PNP sa pagpapalawak ng kaalaman ng kabataan upang maging responsableng mamamayan at tagapagtanggol ng kapayapaan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *