Ikinasa ang bayanihan sa pamamagitan ng renovation ng isang lumang silid-aralan sa Danag Elementary School sa Patikul, Sulu nito lamang ika-20 ng Mayo 2025.
Nakiisa sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng 1103rd Infantry Kalis Battalion, 35th Infantry Battalion; 545th Engineering Battalion; Sulu Police Provincial Office; mga magulang at mga guro ng naturang paaralan.
Ito ay naglalayong mapabuti ang pasilidad ng paaralan upang mas mahikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang edukasyon at maging ligtas, malinis, at maayos sa mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, ipinapakita ng kapulisan at mga katuwang sa serbisyo ang kanilang dedikasyon sa kapayapaan, kaunlaran, at edukasyon bilang pundasyon ng ligtas at progresibong kinabukasan ng Bangsamoro.