Timbog ang Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad noong Mayo 20, 2025 sa Barangay Sigamok, Jose Dalman, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Patrocenio”, 31 anyos, lalaki, at residente ng naturang lugar.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na walang piyansang inirekomenda.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng isang maayos, payapa  at maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *