Idinaos ang PNP-Wide Annual Inspection of Disaster Response Equipment upang masigurado ang kahandaan sa pagtugon ng mga kalamidad ng kapulisan sa Police Regional Office 12 Covered Court, Barangay Tambler, General Santos City nito lamang Mayo 21, 2025.
Sinuri ang mga Seacrch and Rescue (SAR) equipment, grab bags at mga patrol vehicles upang matiyak ang kahandaan ng kapulisan sa pagresponde sa panahon ng kalamidad.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong masigurado na maayos ang mga kagamitan upang masigurado na hindi makaapekto sa operasyon sa panahon ng sakuna.

