Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) at cash assistance sa mga pamilya at indibidwal na biktima ng magnitude 6.8 na lindol na ginanap sa Oval Gym, General Santos City nito lamang Linggo, Nobyembre 19, 2023.

Kabilang sa mga naging kasama ng DSWD Secretary ay sina General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao, Congressman Ton Acharon, DSWD Undersecretary Diane Cajipe, at DSWD Field Office 12 (SOCCSKSARGEN) Director Loreto Cabaya at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Malaking tulong ang ipinamigay na ayuda lalo na sa mga pamilyang biktima ng lindol. Patunay na ang pamahalaan ay handang tumulong kaagapay ang iba’t ibang sangay ng gobyerno upang ihatid kaagad ang tulong sa mga mamamayan na nangangailangan.