Sarangani Province- Nasa P1.2 milyong puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad sa baybaying bahagi ng Purok Islam, Brgy. Glan, Sarangani Province bandang 2:00 ng madaling araw nito lamang Nobyembre 21, 2023.

Nakatanggap ng tip ang Glan PNP mula sa isang hindi pinangalanang informant tungkol sa nangyayaring shipment ng mga puslit na yosi sa naturang lugar at tangkang ibabiyahe papuntang Palimbang, Sultan Kudarat.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 28 na kahon ng puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,250,000.

Batay imbestigasyon ng mga awtoridad, galing pa umano ang mga puslit na sigarilyo sa bansang Indonesia habang nagsagawa ng malalim na imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *