Sa pamumuno ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro, isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office noong Mayo 29, 2025, ang isang Tabletop Exercise (TTX) para sa Public Service Continuity Plan (PSCP) ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ang PSCP ay naglalayong tiyakin na sa oras ng mga kalamidad, maging ito man ay likas o gawa ng tao, ay mananatiling bukas at magagamit ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno para sa mga residente ng Davao de Oro.
Bagamat hindi tiyak kung kailan mangyayari ang mga sakuna, naniniwala ang pamahalaan na maaari itong mapigilan o mapagaan ang epekto sa pamamagitan ng maagang paghahanda.
Ang nasabing TTX ay isang patunay ng dedikasyon ng PLGU Davao de Oro na patuloy na pagbutihin at i-update ang PSCP upang mas mahusay na mapagsilbihan ang mga mamamayan, lalo na sa panahon ng krisis.