Lanao del SurโIsang kilabot na kriminal na may patong-patong na kaso ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya at kasundaluhan na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang miyembro ng PNP Special Action Force sa Brgy. Bagoingod, Ganassi, Lanao del Sur bandang 2:40 ng madaling araw nito lamang Nobyembre 26, 2023.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Lastikman”, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga awtoridad si Lastikman sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 4 counts of Murder sa ilalim ng Criminal Case Numbers 20-24302; 2024303; 20-24304; 20-24305; 3 Counts ng Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case Numbers 20-24306; 20-24307; 20-24308 at Attempted Murder na inisyu ng 12th Judicial Region, Branch 1 Iligan City ng Lanao del Norte Regional Trial Court dated January 14, 2021 na walang inirekomendang piyansa.
Nang matunugan ng suspek ang mga awtoridad ay kaagad itong nagpaputok ng baril dahilan para gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.
Nakarekober ng PNP at Philippine Army ang isang (1) unit ng M16 rifle; isang (1) bandolier at tatlong (3) short magazines with live ammunition.
Samantala, nasa maayos na kalagayan ang dalawang naiulat na sugatan na kasapi ng PNP-SAF.