Sultan Kudarat – Isang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala matapos itong manggulo sa Purok Daisy Barangay Sison, Bagumbayan, Sultan Kudarat bandang 10:00 ng gabi nito lamang Nobyembre 25, 2023.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si na si alyas “Roque”, 42 anyos, walang asawa at residente ng Barangay Tuka, Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Sa ulat ng Bagumbayan Municipal Police Station, habang nagpapatrolya ang BPATs ng Barangay Sison ay kanilang inaresto si Roque matapos mamataan na may dala-dala itong baril na nakasukbit sa kanyang baywang at bigong magpakita ng anumang legal na dokumento sa kanyang baril na Cal. 38 revolver na may kasamang anim na bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay sa Comelec Gun Ban.
Patuloy ang panawagan ng Bagumbayan PNP sa publiko na makipagtulungan sa ipinatutupad na election gun ban hanggang Nobyembre 29 n at iwasang magdala ng mga baril at anumang nakamamatay na armas dahil ang pulisya ay mananatiling nakatuon sa pagtiyak ng panuntunan ng batas para sa mas maayos at ligtas na komunidad.