General Santos City – Tiklo ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng mga ilegal na baril at mga bala sa mismong tahanan nito sa ikinasang search warrant ng mga awtoridad sa Purok 4, New Mabuhay, Brgy. Mabuhay, General Santos City nito lamang Nobyembre 26, 2023.
Dakong 10:00 ng umaga nang sinalakay ng mga operatiba ng General Santos City PNP ang pamamahay ng kinilalang suspek na si alyas “Nerry”.
Narekober mula kay Nerry ang mga hindi dokumentadong mga armas na kinabibilangan ng isang yunit ng Cal. 45 pistol at isang yunit ng 12-gauge shotgun, magazine at mga bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy ang panawagan ng General Santos City PNP sa lahat ng nagmamay-ari ng baril na walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang himpilan upang maiwasan magkaroon ng kaso.