Agusan del Sur at Bukidnon – Isang vice commanding officer at apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa probinsya ng Agusan del Sur at Bukidnon nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2023.

Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon ng 20 minutong engkwentro sa pagitan tropa ng military at NPA na pinaniniwalaang mga miyembro ng North Easthern Mindanao Regional Committee o NEMRC sa Barangay Sta Cruz Sibagat, Agusan del Sur.

Narekober sa naturang engkwentro ang isang AK47 Rifle, isang M16 Rifle; mga supersibong dokumento; 12 na backpacks.

Samantala, bandang 5:00 ng hapon, sumuko ang Vice-Commanding Officer at apat na kasamahan nito na pawang mga miyembro ng Sub-Regional Committee ng North Central Mindanao Regional Committee o NCMRC sa Barangay Mampayag, Manolo Fortich, Bukidnon.

Napag-alaman na kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagturn-over ng kanilang armas na kinabibilangan ng dalawang AK47 Rifles, dalawang M16 Rifles, at M14 Rifle

Dahil sa naranasan na hirap, gutom, at pang-aabuso sa loob ng kilusan kaya’t napagpasyahan nilang tumiwalag sa grupo.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *