Kwalipikado ang 33 aplikante sa Core Shelter Assistance Program (CSAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa inilabas na ulat ng Beneficiary Selection Awards and Arbitration Committee (BSAAC) ng lokal na pamahalaan nito lamang ika-10 ng Mayo, 2025 sa Brgy. Poblacion, Iligan City, Lanao del Norte.
Ang mga aplikante ay dumaan sa masusing pagsusuri at validation, kung saan isinasaalang-alang ang kondisyon ng kanilang tinitirhan.
Kabilang sa mga pangunahing batayan ay kung ang bahay ay delikado, napaalis sa kanilang dating tirahan, o kung ang lokasyon ay nasa danger zone.
Kasabay ng anunsyo, patuloy na isinasagawa ang pag-develop ng housing project sa Barangay Upper Hinaplanon bilang bahagi ng implementasyon ng programa.
Layon ng CSAP na makapagbigay ng ligtas at matibay na tahanan sa 900 pamilyang nangangailangan bago matapos ang taong 2025.
Sa ngayon, umaabot na sa 132 ang kabuuang bilang ng mga kwalipikadong benepisyaryo.