Nasakote ng mga otoridad ang tinaguriang isa sa mga Most Wanted Person ng Region 12 sa kasong Murder sa Purok Manambay, Barangay Panamin, Malungon, Sarangani Province nito lamang Hunyo 10, 2025.

Kinilala ang suspek na si alias “Beto”, 32-anyos, binata, magsasaka, at residente ng naturang lugar.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Solido ang PNP sa kampanya na panatilihing ligtas at maayos ang komunidad sa tulong at kooperasyon ng mamamayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *