Narekober ang isang unexploded ordnance sa Barangay Manggay, Talitay, Maguindanao del Nortenito lamang ika -8 ng Hunyo 2025.

Ayon kay Police Captain Charlie A Mahait, Officer-In-Charge ng Talitay Municipal Police Station, ilang mga batang naglalaro ang nakakita ng hinihinalang rifle grenade.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad at kinordon ang paligid upang maiwasan ang posibleng panganib nito na baka sumabog.

Matapos ang masusing pagsusuri, ligtas at maayos na nai-dispose ang nasabing pampasabog ng mga tauhan mula sa Provincial Explosive and Canine Unit (PECU) ng Maguindanao del Sur.

Para sa karagdagang seguridad, pinaalalahanan ng PNP ang publiko na agad iulat sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya ang mga kahina-hinalang bagay upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *