Nasakote ang isang kriminal na tinaguriang Top 5 Most Wanted Person City Level sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Sitio Nunocan, Maria Cristina, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang Hunyo 11, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dro”, 39, tailor at residente ng naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape ( 3 counts) na walang rekomendadong pyansa at RA 7610 ( 4 Counts) na may rekomendadong piyansa na P800,000.00.

Patuloy ang PNP sa pagdakip sa mga taong may sala sa batas upang mailagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *