Inaasahang matatapos sa taong kasalukuyan ang konstruksyon ng Guicam Bridge na magkokonekta sa isla ng Olutanga sa mainland ng Zamboanga Peninsula.

Ang naturang tulay ay nagkakahalaga ng higit sa ₱1.15-billion, kung saan, ang pondo ay nagmula sa utang o loan ng Pilipinas sa Asian Development Bank (ADB).

Ito’y may habang 1.21 kilometers na magkokonekta sa Olutanga Island sa iba’t ibang mga lugar sa isla ng Mindanao.

Ang Olutanga Island ay mayroong tatlong munisipyo na kinabibilangan ng Mabuhay, Talusan at Olutanga na matatagpuan sa dulo ng katimugang bahagi ng Zamboanga Sibugay.

Ang naturang isla ay pinaghiwalay ng Canalizo Strait sa pagitan ng bayan ng Alicia at bayan ng Mabuhay.

Ang Guicam Bridge ay isa sa mga major components ng Improving Growth Corridors for Mindanao Road Sector Project (IGCMRSP) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay itinuturing bilang pinakamahabang tulay sa Zamboanga Peninsula o sa Rehiyon 9.

Ang proyektong ay tinaguriang, “Olutanga Island to Mindanao Island.”

Layon ng pamahalaan sa pagtatayo ng nasabing tulay na mapahusay ang byahe ng mga residente, mapadali ang pagpalabas at pagpasok ng mga produkto, at mapalago ang ekonomiya sa isla ng Olutanga.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *