Matagumpay na nagtapos ang 410 trainees ng Cagayan de Oro-Technical Skills and Technology Institute (CCCDO-TSTI) nito lamang Hunyo 23, 2025.

Kabilang sa mga nagtapos ay ang 63 Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I; 48 SMAW NC II; 112 Housekeeping NC II; Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II; 14 Pagtutubero NC I at 50 Barangay Health Services NC II.

Sa mensahe ni Mayor Rolando “Klarex Uy”, sa pamamagitan ni City Administrator Atty Roy Hilario Raagas, pinuri nito ang sigasig at interes ng mga guro gayundin ang buong faculty at staff ng CCCDO-TSTI sa paggabay at paghubog sa mga mag-aaral.

Dahil dito, tiniyak ng alkalde na laging nakahanda ang lokal na pamahalaan ng lungsod na magbukas ng mga oportunidad at pagkakataon para umunlad ang mga nagtapos.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *