Matagumpay na nagtapos ang limang araw na Bicycle Patrol Training sa pamamagitan ng Closing Ceremony na isinagawa sa Camp Lt. Deogracias G. Hamac, Sicayab, Dipolog, Zamboanga del Norte nito lamang ika-23 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan ito ng Provincial Director ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office na si Police Colonel Rainier P Diaz at naging Panauhing Pandangal at Tagapagsalita naman ang Regional Director ng Tourism Region IX na si Gng. Dara May L Cataluña sa nasabing programa.

Sa naturang seremonya, ipinamalas ng mga nagtapos ang kanilang kakayahan sa paggamit ng bisikleta bilang mabilisang tugon sa mga emergency, kabilang ang Advanced na teknik sa pagbibisikleta, Tactical dismounts at pag-navigate sa mataong lugar sa gitna ng tensyonadong sitwasyon.

Ang mga patroller mula sa Provincial Tourist Police Unit ay sumailalim din sa mga praktikal na pagsasanay na sumasalamin sa mga totoong emerhensiya, upang matiyak na handa silang tumugon nang mabilis, efficient, at ligtas gamit ang kanilang patrol bikes.

Ipinapakita ng programang ito ang patuloy na pagsusumikap ng Zamboanga del Norte PNP, na paunlarin ang mobility, visibility, at community engagement sa pamamagitan ng makabagong estratehiya sa pagpupulis.

Photos by: Zamboanga del Norte Police Provincial Office

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *