Timbog ang isang lalaki sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon noong Hunyo 24, 2025 sa Purok Santan, Brgy. Poblacion Margosatubig, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ivan”, 22 anyos, lalaki, single, at residente ng Purok San Jose, Brgy. Maguikay, Aurora, Zamboanga del Sur.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.