Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at National Food Authority (NFA) ang programang P20.00 kada kilong bigas para sa mga minimum wage earners sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-24 ng Hunyo 2025.

Target ng initial launching ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” program ang nasa 1,000 benepisyaryo mula sa fishing at canning factories sa siyudad.

Ayon kay DA 9 RED Engr. Marcos Aves Jr., may kabuuang 10,000 kilo ng abot-kayang bigas ang meron sa Kadiwa Center at kada benepisyaryo ay makakabili ng tig-10 kilo ng P20.00 na bigas.

Samantala, siniguro ng NFA IX, na may sapat na suplay ng bigas sa kanilang warehouse para sa pagpapatupad ng naturang programa ng pamahalaan.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng nationwide rollout araw ng Benteng Bigas Program na layong mapagaan ang problemang pampinansyal ng mga mahihinang sektor ng mga Pilipino.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *