Ang Poot Poot Ginamos ay isang natatanging uri ng ginamos o (fermented fish paste) na nagmula sa baybayin ng Surigao sa rehiyon ng Caraga.
Ito ay gawa mula sa maliliit na isda na tinatawag na “poot-poot,” na ekslusibong matatagpuan sa pampang ng Pilipinas.
Pinapalaman ang isda sa asin at iba’t ibang pampalasa gaya ng bawang, luya, sili, at suka, pagkatapos ay pinapaburo ito sa loob ng ilang araw upang makagawa ng malinamnam at maasim-asim na timpla.
Ito’y hindi gaanong kilala sa labas ng Caraga kaya’t marami ang natuwa rito, lalo na ang mga turista dahil sa kakaibang lasa at swak sa presyo na karaniwang mas mababa sa isang daang piso kada garapon.
Madalas itong ipares sa mainit na kanin, sariwang gulay, o kaya’y pritong saging at kamote, kaya’t hindi lang ito pampalasa kundi bahagi ng tradisyunal na pagkain sa rehiyon.
Bukod sa pagiging paboritong pasalubong, ito rin ay simbolo ng kayamanang pang-dagat sa Caraga at ang tradisyunal na paraan ng pagpoproseso ng isda na maipapamana sa bawat henerasyon.