Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Sur sa pangunguna ng Provincial Health Office ang Serbisyong Pangkalusugan noong Hulyo 11, 2025 sa Sitio Pogpog, Barangay Sibulan, Sta. Cruz.

Iba’t ibang libreng serbisyong medikal ang inialok sa mga residente tulad ng konsultasyong medikal na may kasamang gamot na inireseta ng doktor, dental check-up at bunot ng ngipin, pagsusuri sa mata na may kasamang libreng salamin sa pagbasa, at tuli. Isinagawa rin ang mga minor na operasyon.

Nagkaroon rin ng libreng masahe; at serbisyong beterinaryo para sa mga alagang hayop.

Bukod dito, malaking benepisyo rin ang naibigay ng Bagong Pilipinas Mobile Health Clinic sa komunidad.

Kabilang sa serbisyong inialok ay X-ray, CT scan, ultrasound at iba pang OB-GYN services, blood screening, at iba pang laboratory tests.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernadora Yvonne Roña Cagas, na layuning maabot ang lahat ng 232 barangay sa probinsya.

Isinasagawa ang mga medical mission na ito tatlo hanggang limang beses kada linggo sa iba’t ibang lugar upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa serbisyong medikal.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *