Idinaos ang isang Nutrition Forum na may temang “Advancing Urban & Rural Food Systems” noong Hulyo 15, 2025 sa City Tourism Hall ng Cagayan de Oro City.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng mainit na pagtanggap ni Engr. Bernie Daba Jr., Acting Department Manager ng Agriculture Productivity Operations Office (APOO).
Sunod namang nagbahagi ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga alternatibong paraan ng urban at rural food production tulad ng Urban Container Household Gardening, Vegetable Seed Production, Hydroponics Production, Hito at Rabbit Farming, Urban Waste Composting, at Black Soldier Fly (BSF) Production.
Ang nasabing forum ay bahagi ng pagdiriwang ng 51st Nutrition Month na may layuning itaguyod ang kahalagahan ng masustansyang pagkain at tamang pamamahala ng food waste sa mismong tahanan ng bawat mamamayan.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng inisyatibo ng City Nutrition Committee ng City Health Office, katuwang ang Agriculture Productivity Operations Office at ang City Gender and Development Focal Point System.
Layunin ng forum na hikayatin ang mga residente, lalo na ang mga kababaihan at kabataan, na simulan ang pagtatanim ng masustansyang pagkain sa sariling bakuran at matutong gawing kapaki-pakinabang ang mga tira-tirang pagkain bilang bahagi ng sustainable lifestyle.

