Naglaban-laban ang 10 grupo ng mga Maranao sa isinagawang “Kalilangan Cultural Competition” sa Iligan City, Lanao del Norte noong Hulyo 14, 2025.
Ipinakita ng mga Maranao ang kanilang kahusayan sa musika sa pamamagitan ng paggamit ng gong at ibang instrumento kung saan kilala ang mga Maranao.
Ang nasabing 10 grupo ay mula sa mga barangay ng Ditucalan, Kalilangan, Mahayahay, Rogonon, Tubod, Upper Hinaplanon, Sta. Elena, Mandulog, Dulag, at Barangay Kiwalan, kung saan marami ang naninirahan na mga Maranao.
Makakatanggap ng P30,000.00 na premyo ang magiging kampeon sa naturang kompetisyon, at makakatanggap din ng tig P7,000.00 na consolation prize ang mga kalahok na hindi pinalad.
Layunin ng aktibidad na mapreserba ang kultura ng mga Maranao at mas makilala pa ang kanilang komunidad.
