Nakapagtapos sa Alternative Learning System (ALS) Program ang 48 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Zamboanga City Jail Male Dormitory, Zamboanga City noong Hulyo 22, 2025.

Nakatanggap ng kani-kanilang mga diploma at certificates ang nakapagtapos na PDLs sa inilunsad na 14th ALS Graduation and Moving-Up Ceremony na isinagawa sa naturang pasilidad.

Nasa 36 na elementary completers at 12 junior high school graduates ang nagsipagtapos sa ALS Program ng Department of Education (DepEd) katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nagsilbing kinatawan ni Zamboanga City Mayor Khymer Olaso si Executive Assistant Junty Castillo, kung saan ibinahagi nito ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga para sa edukasyon at rehabilitasyon ng mga PDLs sa lungsod.

Ang inilunsad na graduation ceremony ay nagsilbing patunay sa mga pagsisikap ng BJMP na sa pamamagitan ng edukasyon ay makabangon at makapagsimula muli ang mga PDLs sa pagkakataong makalaya at makabalik sila sa lipunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *