Isinagawa ang Provincial Director’s Basketball League na ginanap sa UZ-Ipil Gymnasium, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-19 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ni Hon. Ramses Troy D. Olegario, Municipal Mayor ng Ipil at may-akda ng pagkakatatag ng Ipil Sports Council na nagsilbi ring Panauhing Pandangal sa pakikiisa ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office na pinamumunuan ni Police Colonel Barnard Danie V. Dasugo, Provincial Director ang nasabing aktibidad.
Ang nasabing liga ay nilahukan ng mga kawani mula sa Provincial Headquarters, Provincial Mobile Force Companies (PMFCs), National Support Units (NSUs), at mga naka-cluster na Municipal Police Stations.

Layunin nitong maisakatuparan ang direktiba ng Hepe ng Pambansang Pulisya na itaguyod ang pisikal na kalusugan, mental na katatagan, at pagkakabuklod ng mga miyembro ng PNP.
Ang Provincial Director’s Basketball League ay magtatagal sa mga susunod na linggo, kung saan tampok ang mga laban na hindi lamang pagpapakita ng husay sa palakasan, kundi pati na rin ang pagtutulungan, pamumuno, disiplina, at tiyaga—mga haliging tumutugon sa layunin ng CPNP na mapatatag ang pagkakaisa at moral sa loob ng organisasyon.

