Sugatan ang kapatid ng Mayor ng Kadayangan Special Geographic Area, BARMM matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek nito lamang umaga ng Huwebes, Hulyo 24, 2025 sa Brgy. Agriculture, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Den Mascud, kapatid ni Mayor Duma Mascud.

Nabatid na sakay sa kanyang SUV ang biktima nang bigla na lamang itong pinaulanan ng bala. Agad naman itong dinala sa pagamutan para sa atensyong medikal ng mga residente at otoridad.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang motibo at ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek. Nanawagan naman ng kooperasyon at tulong sa mamamayan ang mga otoridad upang mabilis na maresolba ang naturang pamamaril.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *