Nasakote ang isang lalaki sa bisa ng search warrant sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Dadiangas South, General Santos City noong Hulyo 22, 2025.

Kinilala ang suspek na si alias “Ken”, 41-anyos, residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska mula sa operasyon ang dalawang unit ng 9MM Taurus pistols na kapwa may magazine, 84 piraso ng live ammunition, 4 na magasin, 2 case ng baril, magazine reloader, 6 na ID, cartridge boxes, at iba’t ibang dokumento na may kaugnayan sa mga nasabing armas.

Kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng suspek.

Solido ang PNP na ipatupad ang batas tungo sa pagkamit ng isang maayos at maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *