Isang makulay at makabuluhang 2-Day Visual Arts Training Workshop ang matagumpay na isinagawa sa Atiman Center, Tagum City, Davao del Norte noong Hulyo 21–22, 2025.

Ito ay nilahukan ng 20 batang Persons with Disability (PWDs) bilang bahagi ng 47th National Disability Rights Week.

Sa loob ng dalawang araw, tuwang-tuwa ang mga bata sa kanilang paglahok sa mga aktibidad tulad ng pagpipinta at pagguhit.

Sa pamamagitan ng sining, naipahayag nito ang kanilang damdamin at malikhaing imahinasyon habang nag-eenjoy sa bawat gawain.

Isa rin itong oportunidad para sa kanila na matuto, makihalubilo, at maipakita ang kanilang kakayahan.

Ang matagumpay na aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Tagum City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at sa walang sawang suporta ni Mayor Rey T. Uy, na kilala sa kanyang pusong bukas sa mga programang para sa kapakanan ng mga PWDs.

Sa pagtatapos ng dalawang araw na workshop, bitbit ng mga bata ang bagong kaalaman, saya, at karanasan—at higit sa lahat, isang mensahe na sa Tagum City, ang bawat bata, PWD man o hindi, ay mahalaga.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *