Narekober ang tinatayang P8.7 milyong halaga ng puslit na yosi sa ikinasang anti-smuggling operation nito lamang Hulyo 22, 2025 sa Barangay Tandu Bagua, Patikul, Sulu.
Nabatid na isang concerned citizen ang nag-report ukol sa iligal na aktibidad na nagresulta sa pagkakarekober ng 100 master cases na katumbas ng 50,000 packs ng puslit na yosi na may brand na Champion, New Castle, and Netizen na nagkakahalaga ng P8,750,000.00.
Dinakip ng mga otoridad ang dalawang suspek na sina alias “Dendasil,” 35 anyos, at “Alpajal,” 25 anyos, pawang residents ng Patikul, Sulu dahil walang maipakitang kaukulang dokumento sa mga dalang yosi.
“This successful operation highlights the critical role of community support and strong inter-agency cooperation in curbing illegal activities like smuggling in the region. PRO BAR remains steadfast in our commitment to protect our community and safeguard the region’s economic integrity” mariing pahayag ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region.