Nakatakdang tumanggap ng cash gift ang 396 na senior citizens mula sa Cagayan de Oro ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 25, 2025, sa ilalim ng ikatlong batch ng pamamahagi ng benepisyo ng Expanded Centenarians Act.

Gaganapin ang distribusyon sa City Tourism Hall mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, sa pangunguna ng National Commission of Senior Citizens (NCSC-X), katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) at Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), sa ilalim ng masigasig na suporta ng administrasyon ni Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy.

Alinsunod sa Republic Act 11982 o Expanded Centenarians Act, ang mga kwalipikadong senior citizens na edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng ₱10,000 bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa komunidad.

Samantalang ang mga aabot sa edad 100 ay makakatanggap ng ₱100,000.

Layon ng programa na iparamdam ang tunay na malasakit ng pamahalaan sa mga nakatatanda at kilalanin ang kanilang mahalagang papel sa lipunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *