Matagumpay na isinagawa ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, sa pamamagitan ng City Veterinary Office, ang isang Symposium on Rabies Awareness and Responsible Pet Ownership sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-23 ng Hulyo 2025.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Helen Ann Tacandong, layunin ng naturang aktibidad na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga kalahok ukol sa rabies prevention at kung paano maging isang responsableng alagang magulang o “fur parent.”
Lubos rin ang pasasalamat ni Dr. Tacandong, sa pamunuan ng Barangay Kauswagan, sa pangunguna ni Punong Barangay Jan Leonard Lim, kasama ang kanilang Barangay Biosecurity Officer, para sa aktibong pakikiisa at walang-sawang suporta sa programa.
Kinilala rin nito ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga sponsors na sina Nutrichunks, Max N Bruno Pet Nation Corp., at Oro Agri Components, sa walang-humpay na suporta sa mga programa ng City Vet lalo na sa kampanya kontra rabies.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga residente hinggil sa rabies prevention at maitaguyod ang responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop, lalo na sa mga aso at pusa.
