Naka-red alert status na ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDDRMO) ng Zamboanga bilang paghahanda sa mga magiging epekto ng masamang panahon bunsod ng hanging Habagat.

Ayon kay CDRRMO Chief Dr. Elmeir Apolinario, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa 98 barangay sa lungsod at nakahanda ang mga tauhan ng kanilang tanggapan na magsagawa ng field monitoring at search and rescue operations.

Samantala, nasa higit 200 pamilya naman mula sa 12 barangay sa Zamboanga City ang naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan at malalakas na hangin na naranasan sa lungsod.

Nagpaabot naman ng inisyal na tulong ang lokal na pamahalaan sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa dalawang evacuation center sa lungsod.

Batay sa inilabas na Rainfall Advisory No. 6 ng Mindanao PAGASA Regional Services Division, isa ang lungsod ng Zamboanga sa mga makakaranas ng may katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan bunsod ng Habagat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *