Nasabat ang tinatayang P880,000.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Zone 7A, Youngsville Subdivision, Barangay Igpit, Opol, Misamis Oriental nito lamang Hulyo 22, 2025.

Nabatid na nakatanggap ng ulat mula sa isang informant ukol sa unloading ng mga kontrabando sa nasabing lugar at nasabat ang 400 rims ng Cannon (puti at menthol); 150 rims ng Delta (pula); isang Toyota Revo; at isang sparetire.

Mas pinaigting ng Misamis Oriental PNP ang kampanya laban sa smuggling at economic sabotage, alinsunod sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *